"dear sir,
"napanood ko po yung guesting nyo sa mars and i want to consult with you some dreams i had when i was still young since i had dreamt those repeateadly when i was still at around 7 years old and the weird thing is that i remember this dreams clearly as compared to most of my dreams
"1st dream:
"naglalakad ako kasama ng nanay ko sa isang clearing gubat. the clearing was circular and cemented with pine trees sa side ng clearing. then in the middle of the clearing eh may bilog na butas kung saan may waterfalls completing the circle.
"then me and my mom pass through a path where we passed through a tied up goat. that path lead us to a market.
then i came back alone to the woods because o forgot something (i don't remember what i forgot). i took the same path but this time i was attacked by the goat. sinakal nya ako the dream ended na nakahiga ako sa edge nung butas na may falls while being stranggled by the goat.
"2nd dream:
"i entered a beautiful and spacious room (mala museum). then nakalabas ako sa balcony na may stairs on both sides. pag dumungaw sa balcony eh may malaking pool na madami lumalangoy na koi fish. then bumaba ako para umuwi na sa bahay namin. masukal na daanan yung dinaanan ko ng bigkang may nanghabol sa akin na matanda (parang pari yung itsura nya nung panahon ng kastila). tumakbo ako hangganakarating ako sa loob ng bahay namin nilock ko yung pinto pero bigla na lang nasa tabi ko na yung matanda. natapos yung dream ko na nagdasal ako ng ama namin pero sinabayan lang ako nung matanda (monotone yung delivery nya ng prayer)
"salamat po
"d.l."
My reply:
Hello d.l.!
Nagpapaulit-ulit ang mga panaginip kapag di mo sapat na inaaksyunan ang ibig ipahatid niyon.
Batay sa dalawang panaginip sa mensahe mo, nabasa ko ang sumusunod:
Sa unang panaginip, malinaw na may matibay na kaugnayang namamagitan sa inyong mag-ina. Ikaw ay laging "kakampi" ng iyong ina, anuman ang mangyari. Ang kambing ay ang iyong ama. Sapagkat ikaw ay "kakampi" ng iyong ina, sa panaginip na ito ay nakikita mo ang iyong ama bilang tagatugis o "kaaway".
Sa ikalawang panaginip, ang silid na parang museum ay talinghaga ng tradisyon, kabihasnan, kasaysayan, lipunan. Ang matanda rito ay ang iyong konsiyensiya. Tinutugis ka nito tulad ng pagtugis sa iyo ng iyong ama.
Maaaring, mayroon kang ginagawa sa buhay na taliwas sa nais ng iyong ama o ng lipunan, at maaaring may kinalaman ito sa pagiging lalaki.
Sa dalawang panaginip, ang tubig (waterfalls sa unang panaginip at pool na may koi fish sa ikalawang panaginip) ay simbolo ng emotion. Sa halip na malunod, sikapin mpong paliguan ka at linisin ka ng tubig.
No comments:
Post a Comment