Go GREEN. Read from

THE SCREEN.


This electronic diary is continued from tonyperezphilippinescyberspacebook31.blogspot.com.

September 20167

September 20167
Photo by Jefferson Solayao

Tuesday, November 1, 2016

Your e-mail message:

"bakit po ang emotional nampakadrama ko lagi. lagi na lang po kasi tapos minsan sa pagiging emotional ko nabibwisit na yung ibang tao sa akin. can you give me some ideas para maiwasan tong mga bagay na to nagbabaka sakali lang po ako na matulungan niyo po ako salamat po sir. 



                                                                                                "Your Supporter,
                                                                                          "J.G.W."


My reply:

Hello J.G.W.!

Walang masama sa pagiging emotional o madrama. Ang pagiging emotionally expressive, o mapagpamalas ng damdamin, ay katangian ng isang artist. Ang taong hindi mapagpamalas ng damdamin ay karaniwang nagiging bipolar, manic-depressive, o kaya ay madalas na balisa. Ang mga pigil na damdamin ay maaari ring masalin sa iba't ibang sakit ng katawan.

Batay sa mensahe mo, ang tunay mong suliranin ay hindi ang pagiging mapagpamalas ng damdamin kundi kung paano mo ito madulutan ng pagtimpi.

Ang mga emotion mo ay gawin mo kayang panggatong sa pagiging malikhain: subukan mong magsulat, o magpinta, o magsayaw, o makibahagi sa anumang sports.

No comments:

Post a Comment